Now Playing Tracks

May Dalaw since January 21, 2001

Oh ayan, tandang tandang ko pa kung kelan ako unang nagkaron ng bwisita at bisita.

Yan ung araw na nabalitaan ko na napatalsik na si Erap at nagtagumpay ang Edsa Dos.

Pagtayo ko sa sofa, biglang lumapit ang kapatid ko at tinignang mabuti ang pwetan ng pajamas ko.

Kapatid: Ate mansta ba yan? san mo nakuha yan?

Ako: Ang alin? (sabay lingon)

Kapatid:(Inamoy ang pwetan ng pajamas ko) Ate bat ganun ung amoy? parang dugo na ewan.

Ako: (Panic mode) Ha?! Dugo?!

Kapatid: Ay teka..(sabay smile)  ate may regla ka na! Ma! si ate may regla na! weeee!

Matawa man kayo o hindi, tulala ako nung malaman ko un, after the revelation biglang sumakit na ang puson ko at balakang ko as if inantay lang talaga na marealize ko ang nangyari.

Ikaw? Kelan ang pinakaunang dalaw mo?

17 notes

  1. tofz22 said: Pano kung may period din mga guys? “Pre, may tagos ba ko?” O kaya, “Tol yoko magbasketbol, meron ako ngayon” Eto pa, “Brad, bukas na lang tayo magDOTA, sakit puson ko” At pinakamahirap sa lahat, “Tol, may xtrang napkin ka ba? May wings ha?”
  2. ascottyfollower said: may ng 2001. deins ko makakalimutan yan. nakaputi ako, tas may theater rehearsal kami. buti naman puro mas matandang babae ang kasama ko. insta-shopping pagkatapos. :))
  3. nakererurish posted this
To Tumblr, Love Pixel Union